CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

September 12, 2009

“WIKANG FILIPINO: MULA BALER HANGGANG BUONG PLIPINAS.”

 (ito ang sanaysay ko noong nakaraang Buwan ng Wika.)

Ang Baler ay isang maliit na lugar sa Tayabas na siyang sinilangan ng Ama ng Wikang Pambansa sa katauhan ni Manuel Luis Quezon. Pinili nila ang Baler dahil nagpapasalamat tayo na kung hindi dahil sa Baler walang Manuel Quezon na magtataguyod ng sariling wika na ngayon ya ginamit at sumisimbolo sa pagkakauklod ng ating bansa. Mula sa lugar na ito ay nagsisimula ang pagsisikap ng mga Pilipino na makamtan ang tunay na kapayapaan ng bawat isa.

Ngayong taon na ito ay ipagdiriwang ng Bayan ng Baler ang ika-400 taon ng pagkakatatag nito. Ang isinasaad dito na ang ating wika ay laganap hindi lamang sa pinagmulan nito, maging sa sulok ng ating bansa. Marapat lamang na ating pahalagahan ito at pagyamanin. Mas nararapat na ating iwaksi ang mga wikang banyaga sapagkat inilalayo tayo nito sa ating tunay na kayamanan. Pagyamanin natin ang ating sariling wika hind lamang sa iisang lalawigan o bayan kundi mas lalong payabungin sa buong bansa. Nararapat na mas gamitin at pahalagahan ng tanan o madla sa bayan ng Baler ang Wikang Filipio sapagkat sa kanila magmula ang naturang paggamit nito tungo sa patuloy na pagyabong nito sa kabansaan.

Ang Baler ay maituturing nating isang tuldok sa mata ng bawat isa subalit ito ang nagbigay sa atin ng kalayaan, kapayapaan at pagkakaisa upang makamit natin ang tagumpay. At ang tagumpay na ito ang siyang naghatid sa atin upang maunawaan ang tunay na kahulugan ng isang buhay BUHAY PILIPINO. Bagkus nakakatuwa pa rin isipin na buhay na buhay pa rin an gating wika sa buong sulok ng pilipinas. Siyanga, kaya narapat lamang na atin pa itong gamitin at ipagmalaki. Lalo pa nating pagsisikapang mga Pilipino na maging mayabong pa tulad ng mga bulaklak na walang kasing-bango.

0 comments: